Thursday, April 16, 2009

BUOD NG NENA AT NENENG

Sa kabilang panig naman ng kwento’y muling sinasamahan ang dalawang pares na sina Nena’t Deogracias at sina Neneng at Narciso mula sa pagbisita ng mga taga lalawigan sa Maynila na ikinasaya ng dalawang dalaga’t dito binalita ang mangyayaring pag-iisang dibdib nina Nena’t deogracias at ang kasal nila sa Bulacan, hanggang sa mga pagsubok sa relasyon nina Neneng at Narciso nang tumakas sila galling sa Misa de Gallo, at nang malaman ni Neneng ang pagbibisita ni Narciso kay Chayong sabay pagtanto sa mga maliliit na sinungaling ni Narciso. Lumbay muli ang napupuna kay Chayong na sawi sa pag ibig hindi lamang kay Miguel kundi na rink ay Narciso, at ngayo’y may alaga pang sanggol. Natatapos ang kwento niya sa paglalayas mula sa malulupit na magulang, sa pagkahanap ng matutuluyan kina Pepe at Neneng, at sa tuluyang pagkasawi nang ikasal na si Narciso. At ang kwento naman nila Neneng at Narciso’y mas-hihigit pa bilang trahedya nang ang kaguluha’y magsimula sa isang liham mula kay Isko na siyang isang munting taga-hanga na may pagtingin kay Neneng noong kasal pa ni Nena sa Bulacan. Datapwat nakasal na ang dalawa’y di nagtagal bago magulo ni Isko sa pamamagitan ng mga liham at pagkulit sa kanila ang kanilang pagiging mag-asawa. Dahan-dahan na rin pumasok ang samu’t saring mga tanong at duda sa noong una’y masayang pag iisang dibdib. At dahil sa liham na rin, nakalimutan lamang ni Neneng nang pumanaw si Pepe, umalis si Narciso dahil sa kanyang isipa’y hindi na tapat ang pag ibig ni Neneng sa kanya, na nagging sanhi na rin ng pagkasakit na malubha ni Neneng. Nang makumpleto na ang mga huling habilin at nasabi na sa kaibigan ang mga lihim na tiray’y hindi na nagtagal bago pumanaw si Neneng, at nang malaman na ito ni Narciso na nais na sanang makipagbalikan kay Neneng, di rin nagtagal bago namatay na rin siya.

3 comments:

  1. ang reaction paper po ay ginagawa mo..walang tao ang magkakapareho ang reaction sa kwento kaya mag gawa ka ng iyo noh!

    ReplyDelete
  2. cnu po ang mga tauhan nito at mga ginampanan pwd po bang pakilahad need lang po kz rush ee. . .tnx po ng marami.:)

    ReplyDelete