Wednesday, April 29, 2009

LIFE HAPPEN

This is the story of my lifE…always sEarching for the truth and liEs….finding the wrong from right…but whatEvEr i do EvEry road always points mE into onE dirEction….in a placE of only lonelinEss and EmptynEss….somEtimEs doin the right thing isnt always thE right thing to do….the hardEst thing to do sharEs the samE mEaning as of thE truth…thEy always go togEthEr that is why i am always caught into onE thing i nEvEr know what to do…i always Ends up doing thE things im not supposEd to bE doing in the vEry first placE….EvErytimE i go out theE door i always finds mysElf dEsErtEd somE placE i dont know….why hEavEn cant undErstand whErE i am coming from….its always hard for mE to makE mysElf bE sEEn and bE hEard….all i want is to bE cErtain in onE thing….all i want is to havE a good lifE likE EvErybody has….EvErytimE i think to try….EvErytimE i try to try….LIFE IS ALWASY HAPPEN THIS.....

Thursday, April 23, 2009

BUOD NG BULAKLANG NAG MAYNILA

BUOD NG BULAKLAK NG MAYNILA
MAY AKDA: DOMINGO G. LANDICHO
MGA TAUHAN AT KANILANG PAPEL:
TIMO- Isang namumuhunang nagpapautang sa mga taga bangketa na may gusto kay Azun.
ED-Pamangkin ni Doray, nagtitinda s bangketa na may gusto kay Ada.
ADA- Isang magandang nagdadalaga at kaisat isang anak ng mag asawang Azun at Roque.
AZUN- Isang tinder sa bangketa at matagal nang gusto ni Timo kahit may asawa na.
ROQUE- Asawa ni Azun, lasinggero at nakakulong dahil sa pagpatay ng isang Intsik.
CRIS- Unang naging kasintahan ni Ada, na nangangarap maging isang artista.
MANG TOMAS- Isang nag aayos nang mga sirang sapatos sa bangketa.
DORAY- Isang nagtitinda sa bangketa na mahilig sa tsimis.
MIRNA- Isang madungis na batang nagtitinda sa bangketa na nagging kaibigan ni Ada.
ALING MIMAY- Kasambahay ni Timo
ANGELITA- Isang bulag nagpapalimos sa bangketa habang kumakanta.

BUOD NG BAWAT KABANATA:
KABANATA 1 BITUKA NG BAKAL
Isang umagang masipag si Roque naglalatag nang kanilang paninda sa bangketa , nakutuban ni Azun na ginamit ni Roque ang perang pangbayad nila kay Timo kya ito nagsipag, nang mga oras na iyon nag away ang mag-asawa habang nakatingin sa kanila ang mga tsimosa at ang mga taong naglalakad sa bangketa, at ang kaisa’t isang anak nilang si Ada nag aaral.

KABANATA 2 MGA KATOK SA PUSO NG GABI
Si Ada na walang kamuwang muwang na malapit nang magdalaga ito, nang pumasok ito sa skwelahan nakilala niya si Cris isang fourth year na laging nagsasabi na maganda siya nang gabing kumain silang mag ina hindi dumating si Roque ng mga oras na iyon dumaan si Ed sa kanilang tirahan at may dalang pansit ito dahil bertdey pala nito.Habang tulog na si Ada pumunta si Timo sa kanilang at nang gabing din iyon hindi natuloy ang masamang plano ni Timo dahil biglang dumating si Roque nang mga oras na sinasamantala na niya ang kahinaan ni Azun.
KABANATA 3 PAGBUKAD SA BANGKETA
Si Ada ay tumulong nagbantay sa kanilang paninda sa bangketa, yung ibang tao dahil sa kagandahan ni Ada sinasabihan siya na parang prinsesa at hindi siya nababagay sa lugar na iyon. Hanggang dumating ang si Ed na may nakaaway si Ada at pinagtanggol naman ang lalaki, sinamantala ni Ed ang pagkakataon nagpapahayag na siya nag pagtingin kay Ada.
KABANATA 4 TUKSO NG BITUIN
Si Cris naman laging nakaabang tuwing pag uwian ni Ada gusto nitong ihatid ito pag uwi, nagpapakita ito nang paghanga kay Ada,nagkaraket ako kagabi kaya libre kita ang meryenda ngyn sabi ni Cris kay Ada, nagbilin ito nang salita na manunundo pa ulit.
KABANATA 5 DALAWANG ILOG
Lasing na lasing naman umuwi si Roque nang gabing iyon at sabi nito sa kanyang asawa anong tsimis ang aking narinig sa bangketa tungkol sa inyo ni Timo? Pero alam ni Azun kung ano talaga ang gusting sabihin ng kanyang asawa pero nagmaang maangan ito at nagkukunyaring walang alam sa mga nangyayari kailangan niyang takpan ang katutuhan.Nang dahil sa kalasingan pinuntahan nito si Timo at naghamon, alam ni Timo na si Roque ang pinakamalaking hadlang sa plano niya kay Azun.
KABANATA 6 LATAK NG LIPUNAN
Isang biglaang pangyayari ni pinagbabawal ng alkalde ang pagtitinda sa bangketa at walang magawa ang mag nagtitinda kundi sumunod at nagtitinda nang patago tumatakbo kapag may mga naghuhuli. Habang si Angelita naman ay tuloy ang buhay samantalang ang iba naman nagpapalimos nagkukwentuhan sa kanilang mga buhay.
KABANATA 7 PAGBIBINYAG SA SILAKBO
Araw na iapasyal ni Cris si Ada at ditto naghayag nang kanyang nararamdam dito unang nahalikan ni Cris at nagging magkasintahan sila, nagyaya nang umuwi si Ada pero napumilit si Cris na wag muna dahil gusto nitong ipakilala sa kanyang tiyahin at doon unang may nangyari sakanila at ditto nakuha ni Cri sang kanyag pagkababae.
KABANATA 8 BAHAGHARI SA KUBAKOB
Yung ang pinakamatinding nangyari ng gabing iyon nag binigay ni Ada ang kanyang sarili kay Cris, malalim nang umuwi si Ada sa kanila hindi niya namalayan ang oras na malalim na pala ang gabi, hindi lng magulang pati si Ed nag alala na kung bakit hindi pa umuuwi si Ada, nang tinanong si Ada sinabi niyang namasyal silang magkaklasi kya ginabi nang uwi, hinatid ni Cris si Ada nang pauwi na ito kinausap siya ni Ed at naghamon ito ng suntukan dahil sa selos .
KABANATA 9 BILOG NA GUHIT
Nag usap- usap ang mag tindera sa bangketa para sa bagong utos ni tserman. Dapat sa bungad may mga nakabantay sa atin, magtulungan tayos sabi ni Mang Tomas mahirap kapag may mahuli sa atin kapag nakulong mahirap tubusin madaming taong dapat lapitan, pinag uusapan din nang mga tsimosa ang namagitan kina Timo at Azun.Nang matapos ang kanilang pag-uusap nagsabi si Timo na magpaiwan si Azun at ditto nagpapahayag nanaman si Timo sa kanyang damdamin kay Azun.

KABANATA 10 BANGUNGOT
Ginabi nanaman si Azun nang umuwi at di niya akalain si Roque at tinatanong , naghihinala nanaman tungkol sa kanila ni Timo. Dahil sa pagmamahal ni Roque kay Azun, parang bata itong nagmamakaawa na huwag siyang iwanan at huwag gawin sa kanya. Niyakap ni Azun ang asawa dahil ang totoo mahal din naman talaga niya ito, at nangako siya kay Azun na bukas magiging big time din siya.
KABANATA 11 MATA NG SINDAK
Nang magising si Azun wala sa tabi ang kanyang asawa, lalo siyang kinabahan kung ano ang gagawin nang kanyang asawa at kung ano ang kahulugan tungkol sa sinabi nito kagabi. Nabalitaan na lamang nila ito na nakapatay ng isang intsik at kinasuhan nang Robbery at Homicide pinaghahanap ito ng mga pulis.
KABANATA 12 KUKO NG UWAK
Taglay pa rin ni Azun ang pangamba at hinala kinagabihan, balak magpatulong ni Ada kay Timo dahil wala siyang kaalam alam kung gaano kasalbahin ang tinutukoy niyang Timo para sa kanyang ina. Naghihinala na si Azun na may kinalaman si Timo sa nangyari sa kanyang asawa. Nang gabing iyon dumaan si Roque sa bahay nila para makausap nito ang asawa, pinagtapat nito lahat nangyari sa kanila hanggang nang gabing din iyon nahuli nang mga pulis si Roque.
KABANATA 13 BITAG NG HIKAHOS
Nang mga sumunod na araw dahan dahang nararamdaman nina Azun at Ada ang dahilan nang pagkawala ni Roque. Nagpaabot nangpasabi si Timo na handa siyang tumulong sa mag-ina.Hihinto pangsamantala ng pag aaral si Ada kasabay nito pinapaalis silang mag-iina sa kanilang tinitirhan dahil gusto ni Timo sa kanila sila titira at nangako si Timo na gagawing buhay prinsesa ang mag- ina.
KABANATA 14 KUMUNOY NG LUNGSOD
Araw na hinahanap ni Ada ang tinitirhan ni Ed at masamang balita ang kanyang nabalitaan namatay na pala ang kanyang tiyahin na si Doray pero hindi pa ito nakalibingdahil kulang pa ang kanilang pundo at hindi pa sapat ang kanilang perang naipon pangpalibing, nakita niya ang kalagayan ni Ed nahihirapan na, nag gabing yun may alok kay Ada tinanggap niya sumayaw siya sa klab para magkapera at makatulong kay Ed.
KABANATA 15 HAWLANG PILAK
Tumira na ang mag-ina sa bahay ni Timo wala na silang magawa kundi makisama, at nagawa na ni Timo ang balak nitong masama kay Azun at tuluyang binigay ni Azun ang kanyang sarili kapalit nito ang pagsilbihan ni Azun si Timo.
KABANATA 16 INA AT ANAK
Hunyo na naman bumalik sa pag- aaral si Ada nang mga panahong iyon naramdaman ni Ada ang magandang buhay. Nagsasabi na rin si Ada na mahalaga si Ed sa buhay niya. Samantalang si Azun unting-unting ginagawang alila ni Timo. Pinahayag na din ni Timo na gagawing Reyna Elena si Ada sa Santacruzan. Dito nagsimula ang malaking tiwala ni Ada sa kanyang tiyuhing Timo.
KABANATA 17 TUKSO NG LUNINGNING
Isang gabing magiging reyna Elena si Ada, si Cris ang kanyang konsorte na hinahangaan at kinagulat ang mga tagabangketa ang pagiging reyna, nalaman lamang ni Ada na binayaran pala si Cris ng kanyang tiyuhin para maging escort ng gabing yun, samantalang ang gusto niya ay si Ed, pero ayaw nila Azun at Timo kya wala siyang magawa sa mga panahong yun, kung di sumunod kung anong gusto nila. Nang gabing yun napakaraming taong nanood nang sagala na ang mga taong ibat- ibang tawag kay Ada diyan na yung Reyna ng kagandahan.
KABANATA 18 LUHA NG TALA
Pagkatapos ng gabing maging prinsesa si Ada , habang tulog siya nararamdaman niya ang haplos ng isang tao sa katawan niya ng mabuksan niya ang ilaw nakita niya na si Timo iyon, ginahasa at may nangyari sa kanila ng gabing iyon. Hindi siya makapanglaban dahil nagbanta ito na papatayin silang mag-ina at yun ang kaniyang ikinatatakot. Kinabukasan paggising niya nagpaalam ang kaniyang ina kasama ang kanilang kayulong maningil sa umuutang kay Timo, natatakot si Ada na baka mangyari ulit sa kanila, nagpasya siyang unahan na niyang lalayas siya sa bahay na yun. Napadpad siya sa isang negosyanteng intsik, inalok siya na magtrabaho bilang labandera at tinanggap niya ang trabahong yun, nang kinagabihan naramdaman naman niya habang tulog siya na may humahawak sa katawan niya nang mabuksan niya ang ilaw nakita niya na ang kanyan among intsik na tumatakbo siya sa may labasan at tinulungan siya ng tindera makatakas dahil ayaw ng tindera na mangyari sa iba dahil ginawa na rin ing intsik sa kanya.
KABANATA 19 KALANSAY
Nasa isip ni Ada na pupunta na lang siya sa kanyang kaibigan na si Mirna ang kaibigang batang babae na nagtitinda ng sigarilyo sa bangketa. Kinabukasan kinausap niya si Teresita na pumasok at bumalik ulit sa pagsasayaw sa klab, hanggang sa pangatlong gabi nakita niya si Ed sa klab at nagyaya ito na magsama na at pumayag si Ada. Isang araw habang nagtititnda si Ed at nasagasaan sa may riles ng tren at yun ang kinamatay ni Ed, para maaliw at di siya malungkot bumalik siya magtrabaho sa klab pero hindi na siya sumasayaw kung hindi tagahugas na ng plato, tanda ng pagrespeto kay Ed kaya ginagawa niya habang nasa klab si Ada dinalaw siya ni Cris at nagpaalam na aalis muna at ipagdasal daw siya, yun ang pakiusap ni Cris kay Ada.
KABANATA 20 HAPLIT NG LIWANAG
Lasing na dumating si Timo, sinabi kay Azun ang buhay mayroon si Ada ngayon. Pinuntahan ni Azun kung saan nakatira si Ada, nang magkita nagyakapan ang mag ina. Inalok ni Azun na bumalik na si Ada sa kanilang tirahan at yun din ang pakiusap ni Timo pero alam ni Ada na gawa lang ni Timo at ginamit kasangkapan ang kanyang ina . Hinayaan na lang ni Ada na huwag ng sabihin sa kanyang ina ang tunay na nangyari. Nang umuwi ang kanyang ina , sumunod din siya pumunta sa dati niyang tinitirhan. Dinalaw niya sa Angelita ang bulag na kanyang kaibigan at nabalitaan niyang makakakakita si Angelita kapag naopera kaya babalik si Ada sa pagsasayaw sa Klab para makatulong kay Angelita.
KABANATA 21 HALIMAW
Katulad ng mga nakaraang gabi, lasing na naman nang umuwi si Timo at ang tingin niya ay halimaw na si Timo at sinaktan siya nito sinuntok at nawalan ng malay si Azun sat pinagmumura nito at kahit anong masamang salita ang narinig nito. Buti na lang andiyan si Mang Tomas tumulong sa kanya.
KABANATA 22 MANUNUBOS
Sa kabaitan ni Mang Tomas dinala muna at makapagpahinga sa bahay niya si Azun. Dahil pansamantalang nawala ang bait ni Azun kaya pangsamantalang inaalagaan muna ni Mang Tomas. Pagkatapos pakainin at para makapahinga si Azun , pumunta muna siya sa kanyang sapatosan para magsara, pag- uwi niya nakasalubong niya si Angelita, taga pag- alaga nito na iwanan muna sa kanya kasi uuwi ito sa Bicol, pumayag naman ang matanda kaya dalawa ang alaga niya ngayon si Azun at Angelita.
KABANATA 23 UNOS
Gabing bumalik nanaman si Ada sa pagsasayaw sa klab, nang mabalitaan niya na kasalukuyang sinira ang kanilang tahanan, pagdating niya wala na siyang naabutan, binalita ni Mang Tomas na si Azun ay nasa kanyang pangangalaga ngayon.
KABANATA 24 OYAYI SA BALANGAW
Walang ginawa si Ada kung hindi alagaan ang kanyang ina para mabilis itong gumaling, habang may dumating sa kanyang balita na dumating ang tiyuhin ni Cris at hinanap siya nang inabot sa kanya ang sobreng naglalaman nang malaking halaga at ditto magbabago ang buhay ni Ada.
KABANATA 25 ALIMPUYO NG API
Linggo ng gabi araw nag pagsali ni Angelita sa kontes ng kantahan, ang dalawang mag ina ang naiwan sa bahay ni Mang Tomas, ditto dumating si Timo at muntink nang gahasain si Ada biglang natauhan si Azun at sinaksak ito hanggang sa mapatay si Timo.
KABANATA 26 MAY BITUIN SA KUBAKOB
Halimaw ang tawag ni Azun kay Timo, napatay ko dahil sa pagtatanggol sa aking anak,may abogado nag boluntaryo ang tulunga silang mag- ina, samantalang sasapit na ang pasko gusto ni Ada mabuo ang kanilang pamilya.
KABANATA 27 DALUYONG
Prosisyon ng itim na Nazareno , na may mahabang tali sa karosa, may mga taong naghahagis ng putting tuwalya, habang nanood si Ada nakita niya si Cris umakyat at nagpunas din sa mukha nang Nazareno. Di akalain ni Ada na dadalawin siya ni Cris ng gabing iyon.
KABANATA 28 BAGONG LIWAYWAY
Hindi makapaniwalang si Roque na may dalaw siya at nakita niya ang kanyang mag-ina at doon nagyakapan at nagpatawaran silang mag-iina, at pinapangako ni Ada na gagawa siya ng paraan para makalabas ang kanyang ama.
KABANATA 29 TALULOT SA BANGKETA
Nagbalik na ang sigla ni Azun, bumalik na siya sa pagtitinda sa banketa, laking pasasalamat siya sa tulong ni Mang Tomas, dumating din ang mga taong nangangako kay Angelita na tutulong para ma opera ang kanyang mga mata.

kwentong pambata liwayway

Kwento ng isang pamilyang mag-asawang Mang Diego at Aling lucia na mayroon silang isang anak na si Cassandra, laging sinasaktan ni Mang Diego ang kanyang mag-iina. Hi nawalan ng pag-asa ang mag-ina na magbabago si Mang Diego. Isang araw naisip ni Cassandra na magbuhat nang isang krus na patpat para sakrepisyo para sa kanyang ama, na pinagtatawanan siya nang mga tao, pangangantiyaw ni Mang Herman at sinasabihan siya ni Aling Beth na pareho siya ng tatay niya na may sira sa ulo at isang araw biglang nagbago ang lahat, biglang nagbago ang tatay ni Cassandra at nagbuhat na rin nang krus tanda nang kanyang pagsisisa kanyang mga kasalanan.

Thursday, April 16, 2009

BORACAY DAY

ESPECIALTY OF THE TIDES BORACAY EXPENSIVE FOOD THATS WHY I NEED TO PIC BEFORE WE EAT.
ONE OF THE MOST EXPENSIVE HOTEL IN BORACAY "THE TIDES BORACAY"

THIS IS MY FIRST NIGHT IN BORACAY
















BUOD NG HIMALA

Ang tagpuan ng pelikulang Himala ay ang Cupang, isang maliit na baryo sa Pilipinas na matagal na panahon na ring hindi dinaratnan ng ulan kaya’t nagbibitak ang mga kalsada’t natutuyo ang mga pananim. Naniniwala ang mga taga-Cupang na simumpa ng bayang kinabibilangan ng baryo nila.
Si Elsa ang pangunahing tauhan ng pelikulang ito. Siya ay 24 taong gulang na at katulong sa bahay ni Gng. Alba. Ampon lamang si Elsa ng kanyang inang si Aling Saling.
Ngunit nagbago ang lahat kay Elsa nang dumilim isang tanghaling tapat. Tinatakpan ng buwan ang araw. Hindi magkamayaw ang mga tao sa mga sandaling iyon, takot na takot na tumatakbo pauwi sa kani-kanila at nagsisigawan. Isang matandang babae ang nagpalala ng lahat nang nasambit niyang “Diyos ko po, magugunaw na ang mundo!” “Hindi ho, eclipse lang ho iyan,” tugon ni Lucio na sumubok pakalmahin ang mga taong natataranta.
Sa dilim ay nangangap si Elsa paakyat sa burol. Humuhugong ang hangin. Nadapa si Elsa. At sa kanyang pagbangon ay may narinig siyang bulong, isang boses ng babae na tinatawag ang pangalan niya. Lumingon siyang tila tumahimik ang lahat at kanyang nilapitan ang isang punong tuyong-tuyo’t walang dahon na nasa tuktok ng burol. Niya niya ang kung anumang liwanag na iyon. Napaluhod siyang tila magdarasal habang ang kanyang mukha’y sinisikatan ng liwanag na iyon.
Kinagabihan sa bahay nina Elsa ay nag-uusap sila at ng kanyang ina. “Elsa, lagi ka na lang wala sa iyong sarili. Gaya kanina, pinapunta kita kina Lucio’y nakalimutan mo. Lagi kang nasa burol. Di kita laging mababantayan. Dapat mag-asawa ka na. Baka sabihin nila’y mag-ina tayong matandang dalaga. Di kita inampon para gumaya lang sa ‘kin.” Iba ang sagot ni Elsa, “Nakita ko po ang Mahal na Birhen. Sa Burol po. Kanina habang may eclipse. Nakaputing damit po siya. May belong asul. May sugat sa dibdib. Umiiyak po siya ak saka nawala. Ayaw po kayong maniwala sa akin?”
Kinabukasan, ipinatingin ni Aling Saling si Elsa sa isang arbularyo. Pinalo nang pinalo ng arbularyo ang hubad na likod ni Elsa habang nakahiga ito parang hindi nasasaktan. Matigas daw ang espiritung sumasanib kay Elsa sabi ng arbularyo kaya ibalik na lang daw ito sa susunod na araw.
Kinaumagahan habang pappunta sana si Baldo sa bukid ay napaitigil siyang nakatingin sa burol. Nakita niya si Elsa na nakaluhod nang matikas sa harap ng tuyong punong kahoy. Nilapatan niya si Elsa at nakita na dumurugo ang magkabilang kamay nito. Niyugyog niya si Elsa ngunit matagal kumibo. Nang nagmulat ang mga nito ay inilapad niya ang kanyang palad, may sugat ang mga palad nito.
Kinagabihan ay nasa simbahan si Elsa at kausap ang isang pari. May pagdududa ang pari kay Elsa na batid habang sila’y nag-uusap. “Ang Mahal na Birhen po ang nakita ko. Opo, pero meron po siyang sugat sa dibdib. Para pong tama ng baril.” “May baril na ba noong unag panahon. Minsan, mapaglinlang ang demonyo. Kaya nitong magpakita sa kahit anong anyo. Kahit pa ng Panginoon. Papaano mo naman makikita iyon e may eclipse.”
“May liwanag pong nanggagaling sa kanya. Parang po siyang nabibihisan ng araw. Noong una po’y nagpapakita lang siya, umiiyak, at saka nawawala. Pero nitong huli’y nagsasalita na siya. Sabi po niya’y di mo ako mapangingiti, Ineng, maraming kasalanan ang tao. Ewan ko po kung sa kanya ko nakuha ang mga sugat ko. Pero sabi po niya, kung magpapakabait daw po lahat ng mga tagarito, isang araw ay mawawala ang sumpa. At ang sabi rin po niya, darating daw ang araw at lalapit daw po sa akin ang lahat ng may sakit at makapanggagamot daw po ako. Hindi lang daw po ng sugat ng katawan pati’y ‘yung sugat ng mga kaluluwa,” pahayag ni Elsa.
“Lagi kang tinutukso ng mga tao dito bilang putok sa buho. At noong araw na nakita mo ang Birhen ay nakagalitan ka daw ni Mrs. Alba. May sama ka ba ng loob sa mga tao dito, Elsa? Hindi ako naniniwala sa mga milagro,” tugon ng pari kay Elsa.
Sa bahay nina Elsa ay nag-aaalalang kinausap siya ni Aling Saling. “Baka pagtawanan ka ng mga tao. Baka matanggal tayo sa trabaho kay Mrs. Alba.
Nagising si Aling Saling na wala sa kanyang tabi si Elsa. Hinanap nina Aling Saling, Chayong at Baldo si Elsa. Nagtungo sila sa burol, doon nakita nilang nakaluhod si Elsa. Wala na ang mga sugat sa katawan ni Elsa. Lumapit ang isang tagabaryo, “Baldo, iyong kaibigan mong taga-Maynila, ‘yung tiningnan ni Elsa, nawala na raw ang sakit niya! Gumaling na raw siya!” Lumuhod sila sa harap ni Elsa.
Hinahagud ni Elsa ang mata ni Lolo Hugo. Binihisan nila si Elsa ng puting-puting damit na pagmamay-ari ng pinsan ni Chayong na dating nagmamadre. Lumakad sila na tila munting prusisyon. “Baldo, pagbutihin mo! Baka maawa sa’yo ang Mahal na Panginoon at pagkalooban ka ng asawa,” ani Lucio nang napadaan ang pangkat nina Elsa sa harap nito.
Ang ilang usiserong tagabaryo ay nasa burol na. Pilit hinahanap ang birhen. “Baka dito! Baka nagtatago lang dito! O baka naman diyan sa kabilang puno.” “Huwag kang maingay. Naka matakoy lumabas!” Iniisnpeksyon nila ang puno, ang iba ay may dala pang flashlight.
Pagkahapon, maraming tao sa bahay nina Elsa. Iniharap ni Baldo ang isang pasyenteng naipitan ng ugat sa paa upang ipagamot kay Elsa. Lahat ay nakamasid sa kanyang ginagawa. Tinawag ni Mrs. Alba sina Aling Saling, Chayong, Baldo at Sepa. Kailangan daw nilang mag-organisa upang tulungan at bantayan si Elsa.
Malalim na ang gabi. Nagising si Chayong sa pagkakahilik ni Pilo, ang kanyang kasintahan. Nasa ilalim sila ng bahay, sa may tangkal ng baboy.
“Huwag Pilo! Natatakot ako,” ani ni Chayong. “Ba’t ka natatakot, ako lang ‘ti di ba mahal mo ako? Chayong, mapapanis tayo!” tugon ni Pilo. “Alam mo namang gutso kong malinis ako bago makasal. ‘Yun lang ang maibigay ko sa’yo.” “Ngayon mo na ibigay Chayong.”
“Ba’t ako pa ang nagustuhan mo? Marami ka namang girlfriend a. H’wag Pilo...huwag! Talaga namang marami kang girlfriend. Pati nga si Elsa niligawan mo n’on,” ani ni Chayong. “Lahat ng babae kaya kong lagawan, pero si Elsa hindi. Ewan ko kung bakiy. Parang hindi siya babae e. Parang hindi siya tao. Kelan ba tayo papakasal?”
“Nakausap ko si Elsa, Pilo,” sabi ni Chayong. “Lahat ba naman ng gagawin mo’y ikinukunsulta mo pa kay Elsa,” sagot ni Pilo. “Alam niya ang lahat,” agad na tugon ni Chayong. Umalis si Chayong at sa kanilang bahay ay naligo siya. Sinabunan niya ang mga bahagi ng kanyang katawan na hinagkan ni Pilo.

SA PULA SA PUTI

Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:(Kukunin ang salapi)Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:(Nagmamadali)Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.(Sisigaw sa gawing kusina).Teban! Teban! Teban!Teban:(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).Ano po iyon Aling Celing?
Celing:(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!Teban:(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.Celing:
Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:(May kahinaan din ang ulo).Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:(Lalong lalakas ang sigawan).Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.(Dudungaw)O heto na nga si Teban. Tumatakbo.(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:(Tuwang-tuwa)Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:(Mainit ang ulo)Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:(Ibibigay ang tinali kay Castor).O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)O heto ang karayom.
Castor:(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)Hayan!(Ibababa ang tinali.)Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:(Balisa)Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gumagamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:(Tatawa)Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:(Lulundag na palapit.)Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:(Kikindatan si Celing)Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!Celing: Magkano ba ang kailangan mo?Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)Kulas:(Kukunin ang salapi)Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:(Magugulat sa dami ng salapi).Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:(Hindi maintindihan)ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.(Lalong lalakas ang sigawan)Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…(Papasok si Teban)
Teban:(Walang sigla)Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:(Nalulungkot)Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.S
ioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:(May hinala)Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?Celing:(Lalo pang maghihinala)Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:(Magliliwanag ang mukha)A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:(Hindi maintindihan)Ha? Ano po?
Kung ako'y natalo…ay…Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:(kay Celing)A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo wawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:(Kay Kulas)Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:(Tumatawa pa)Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo.(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)

BUOD NG BANAAG AT SIKAT

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.
Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.
Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.
Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.
Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.
Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.
Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.