Thursday, April 16, 2009

BUOD NG HIMALA

Ang tagpuan ng pelikulang Himala ay ang Cupang, isang maliit na baryo sa Pilipinas na matagal na panahon na ring hindi dinaratnan ng ulan kaya’t nagbibitak ang mga kalsada’t natutuyo ang mga pananim. Naniniwala ang mga taga-Cupang na simumpa ng bayang kinabibilangan ng baryo nila.
Si Elsa ang pangunahing tauhan ng pelikulang ito. Siya ay 24 taong gulang na at katulong sa bahay ni Gng. Alba. Ampon lamang si Elsa ng kanyang inang si Aling Saling.
Ngunit nagbago ang lahat kay Elsa nang dumilim isang tanghaling tapat. Tinatakpan ng buwan ang araw. Hindi magkamayaw ang mga tao sa mga sandaling iyon, takot na takot na tumatakbo pauwi sa kani-kanila at nagsisigawan. Isang matandang babae ang nagpalala ng lahat nang nasambit niyang “Diyos ko po, magugunaw na ang mundo!” “Hindi ho, eclipse lang ho iyan,” tugon ni Lucio na sumubok pakalmahin ang mga taong natataranta.
Sa dilim ay nangangap si Elsa paakyat sa burol. Humuhugong ang hangin. Nadapa si Elsa. At sa kanyang pagbangon ay may narinig siyang bulong, isang boses ng babae na tinatawag ang pangalan niya. Lumingon siyang tila tumahimik ang lahat at kanyang nilapitan ang isang punong tuyong-tuyo’t walang dahon na nasa tuktok ng burol. Niya niya ang kung anumang liwanag na iyon. Napaluhod siyang tila magdarasal habang ang kanyang mukha’y sinisikatan ng liwanag na iyon.
Kinagabihan sa bahay nina Elsa ay nag-uusap sila at ng kanyang ina. “Elsa, lagi ka na lang wala sa iyong sarili. Gaya kanina, pinapunta kita kina Lucio’y nakalimutan mo. Lagi kang nasa burol. Di kita laging mababantayan. Dapat mag-asawa ka na. Baka sabihin nila’y mag-ina tayong matandang dalaga. Di kita inampon para gumaya lang sa ‘kin.” Iba ang sagot ni Elsa, “Nakita ko po ang Mahal na Birhen. Sa Burol po. Kanina habang may eclipse. Nakaputing damit po siya. May belong asul. May sugat sa dibdib. Umiiyak po siya ak saka nawala. Ayaw po kayong maniwala sa akin?”
Kinabukasan, ipinatingin ni Aling Saling si Elsa sa isang arbularyo. Pinalo nang pinalo ng arbularyo ang hubad na likod ni Elsa habang nakahiga ito parang hindi nasasaktan. Matigas daw ang espiritung sumasanib kay Elsa sabi ng arbularyo kaya ibalik na lang daw ito sa susunod na araw.
Kinaumagahan habang pappunta sana si Baldo sa bukid ay napaitigil siyang nakatingin sa burol. Nakita niya si Elsa na nakaluhod nang matikas sa harap ng tuyong punong kahoy. Nilapatan niya si Elsa at nakita na dumurugo ang magkabilang kamay nito. Niyugyog niya si Elsa ngunit matagal kumibo. Nang nagmulat ang mga nito ay inilapad niya ang kanyang palad, may sugat ang mga palad nito.
Kinagabihan ay nasa simbahan si Elsa at kausap ang isang pari. May pagdududa ang pari kay Elsa na batid habang sila’y nag-uusap. “Ang Mahal na Birhen po ang nakita ko. Opo, pero meron po siyang sugat sa dibdib. Para pong tama ng baril.” “May baril na ba noong unag panahon. Minsan, mapaglinlang ang demonyo. Kaya nitong magpakita sa kahit anong anyo. Kahit pa ng Panginoon. Papaano mo naman makikita iyon e may eclipse.”
“May liwanag pong nanggagaling sa kanya. Parang po siyang nabibihisan ng araw. Noong una po’y nagpapakita lang siya, umiiyak, at saka nawawala. Pero nitong huli’y nagsasalita na siya. Sabi po niya’y di mo ako mapangingiti, Ineng, maraming kasalanan ang tao. Ewan ko po kung sa kanya ko nakuha ang mga sugat ko. Pero sabi po niya, kung magpapakabait daw po lahat ng mga tagarito, isang araw ay mawawala ang sumpa. At ang sabi rin po niya, darating daw ang araw at lalapit daw po sa akin ang lahat ng may sakit at makapanggagamot daw po ako. Hindi lang daw po ng sugat ng katawan pati’y ‘yung sugat ng mga kaluluwa,” pahayag ni Elsa.
“Lagi kang tinutukso ng mga tao dito bilang putok sa buho. At noong araw na nakita mo ang Birhen ay nakagalitan ka daw ni Mrs. Alba. May sama ka ba ng loob sa mga tao dito, Elsa? Hindi ako naniniwala sa mga milagro,” tugon ng pari kay Elsa.
Sa bahay nina Elsa ay nag-aaalalang kinausap siya ni Aling Saling. “Baka pagtawanan ka ng mga tao. Baka matanggal tayo sa trabaho kay Mrs. Alba.
Nagising si Aling Saling na wala sa kanyang tabi si Elsa. Hinanap nina Aling Saling, Chayong at Baldo si Elsa. Nagtungo sila sa burol, doon nakita nilang nakaluhod si Elsa. Wala na ang mga sugat sa katawan ni Elsa. Lumapit ang isang tagabaryo, “Baldo, iyong kaibigan mong taga-Maynila, ‘yung tiningnan ni Elsa, nawala na raw ang sakit niya! Gumaling na raw siya!” Lumuhod sila sa harap ni Elsa.
Hinahagud ni Elsa ang mata ni Lolo Hugo. Binihisan nila si Elsa ng puting-puting damit na pagmamay-ari ng pinsan ni Chayong na dating nagmamadre. Lumakad sila na tila munting prusisyon. “Baldo, pagbutihin mo! Baka maawa sa’yo ang Mahal na Panginoon at pagkalooban ka ng asawa,” ani Lucio nang napadaan ang pangkat nina Elsa sa harap nito.
Ang ilang usiserong tagabaryo ay nasa burol na. Pilit hinahanap ang birhen. “Baka dito! Baka nagtatago lang dito! O baka naman diyan sa kabilang puno.” “Huwag kang maingay. Naka matakoy lumabas!” Iniisnpeksyon nila ang puno, ang iba ay may dala pang flashlight.
Pagkahapon, maraming tao sa bahay nina Elsa. Iniharap ni Baldo ang isang pasyenteng naipitan ng ugat sa paa upang ipagamot kay Elsa. Lahat ay nakamasid sa kanyang ginagawa. Tinawag ni Mrs. Alba sina Aling Saling, Chayong, Baldo at Sepa. Kailangan daw nilang mag-organisa upang tulungan at bantayan si Elsa.
Malalim na ang gabi. Nagising si Chayong sa pagkakahilik ni Pilo, ang kanyang kasintahan. Nasa ilalim sila ng bahay, sa may tangkal ng baboy.
“Huwag Pilo! Natatakot ako,” ani ni Chayong. “Ba’t ka natatakot, ako lang ‘ti di ba mahal mo ako? Chayong, mapapanis tayo!” tugon ni Pilo. “Alam mo namang gutso kong malinis ako bago makasal. ‘Yun lang ang maibigay ko sa’yo.” “Ngayon mo na ibigay Chayong.”
“Ba’t ako pa ang nagustuhan mo? Marami ka namang girlfriend a. H’wag Pilo...huwag! Talaga namang marami kang girlfriend. Pati nga si Elsa niligawan mo n’on,” ani ni Chayong. “Lahat ng babae kaya kong lagawan, pero si Elsa hindi. Ewan ko kung bakiy. Parang hindi siya babae e. Parang hindi siya tao. Kelan ba tayo papakasal?”
“Nakausap ko si Elsa, Pilo,” sabi ni Chayong. “Lahat ba naman ng gagawin mo’y ikinukunsulta mo pa kay Elsa,” sagot ni Pilo. “Alam niya ang lahat,” agad na tugon ni Chayong. Umalis si Chayong at sa kanilang bahay ay naligo siya. Sinabunan niya ang mga bahagi ng kanyang katawan na hinagkan ni Pilo.

No comments:

Post a Comment